When I planned this space, I decided it should only contain English content. So pardon me for posting here a song I crafted in my head while walking from Edsa to Philcoa last Friday. The story behind this limerick, the tune of which I borrowed from Gary Granada's Mabuti Pa lilt, is posted at swelas.blogspot.com.
Mabuti Pa* (Ng Isang Pasahero)
Mabuti pa ang may kotse,
mas mabilis pag uwian
Mabuti pa ang may bisikleta,
andar agad 'sang padyak lang
Mabuti pa ang may motor
mauunahan ang ulan
Di tulad kong naglalakad lang
sa daan
Mabuti pa ang Senador,
may pambili ng SUV
Mabuti pa ang Kongresista,
minsa'y tatlo pa ang CRV
Mabuti pa ang pulis
may kotse na may wang-wang
Di tulad kong naglalakad lang
sa daan
Turuan nyo ako
Mahalin ang sarili
Bakit si Willie Revillame
Kahit na jet nakakabili?
Mabuti pa ulit si Willie
may mabilis na Ferrari
Mabuti pa si Secretary
Safari, Patrol kayang bilhin
Mabuti pa ang artista
umiyak lang may kotse na
Di tulad kong
pamadyak lang dal'wang paa
Mabuti pa si Claire Fuentes
may sandosenang unit ng bus
Mabuti pa si Enriquez
taxi units di maubos
Mabuti pa si Fernando
may pangtakbong pampangulo
Di tulad kong luha na lang
ang tinutulo
*Pasintabi kay G. Gary Granada
No comments:
Post a Comment